Inihahanda na ng pamahalaan ang Inter-Agency Database para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa.
Layunin nito na ipunin ang mga detalye ng binabayarang nilang buwis.
Nabatid na nasa 15,176 na mga dayuhan ang nagtatrabaho sa 174 na establisyimento sa buong bansa.
Kaugnay niyo, maglalabas ng joint memorandum circular ang Department of Finance (DOF), Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Una nang sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na sisingilin na rin ng buwis ang mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa.
Inaasahang kikita ang pamahalaan ng P2 Billion kada buwan mula rito.
Target din ng DOF na makalikom ng P32 Billion annual income tax mula sa dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Online Gaming Operators (POGOS).