Nagbabala ang Pasig River Rehabilitation Commission, Department of Environment and Natural Resources, at Laguna Lake Development Authority na pagmumultahin ng 25,000 kada araw patuloy ang Universal Robina Corporation dahil sa pagtangging magpa-inspection.
Una nang iniutos ni PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia ang pag inspection sa pabrika ng URC dahil sa illegal discharge ng dumi sa ilog ng Marikina at Pasig.
Simula noon pang Lunes tumatanggi ang URC na papasukin sa kanilang mga pabrika ang mga inspectors.
Nag viral sa social media ang video ng puting likido na bumabalot sa Marikina at Pasig River.
Naipa blotter na rin ito sa barangay blotter at saksi mismo si Barangay Ilog Chairman Jose Nilo Abreño.
Ayon kay Abdusallam Monakil, ang nag upload ng video, dapat malaman ng publiko ang nangyayaring paglason sa ilog.
Aniya, mula pagkabata ay sa Ilog Pasig na siya natutong lumangoy kung kayat nababahala siya sa sitwasyon.