Inter-Agency Task Force, pag-aaralan ang hiling ng DTI na ibaba agad sa MECQ ang Metro Manila

Pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng Department of Trade and Industry (DTI) na ibaba na agad ang quarantine status sa Metro Manila pagkatapos ng Agosto 20.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aalamin muna ng IATF ang mga datos kung pwede nang ilagay ang NCR sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa kabila ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Paliwanag nito, ang kaligtasan pa rin ng publiko laban sa virus ang uunahin ng IATF sa kanilang magiging desisyon.


Sa ngayon, ilang ospital na sa Metro Manila ang naabot na ang full capacity sa dami ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments