Inter-Provincial Protocol sa Suplay ng Baboy, Hiniling ni Gov. Padilla

Cauayan City, Isabela- Hiniling ni Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya ang pagkakaroon ng inter-provincial protocol upang matiyak na may maiiwan pa rin na suplay ng baboy sa buong rehiyon dos.

Ito ay bunsod ng kaliwa’t kanang problema ng kalakhang maynila sa limitadong suplay ng karneng baboy dahil pa rin sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Gov. Padilla, dapat rin na pagtuunan ng pansin ang posibleng kawalan ng suplay ng karneng baboy sa rehiyon kung maibubuhos ang lahat ng suplay nito sa capital region bagay na dapat mabigyan ng aksyon.


Bago aniya tugunan ang problema sa limitadong suplay ng karne sa Metro Manila ay dapat tiyakin muna ng Department of Agriculture Region 2 kung may maiiwan na karneng baboy para sa rehiyon.

Umaasa naman si Padilla na matutugunan ito ng ahensya para mapatatag ang suplay ng baboy sa Cagayan Valley.

Facebook Comments