Interes ng mamamayan, dapat pangunahng bigyang konsiderasyon sa ginaganap na ASEAN summit

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Loren Legarda na dapat ay ang interes ng mamamayan ang pangunahing bigyan ng konsiderasyon ng mga bansang dumadalo ngayon sa ika-31 Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.

Paliwanag ni Legarda na siya ring chairperson ng Committee on Foreign Relations, mahalaga ang kapakanan ng mamamayan para makamit ang hinahangad na mas matatatag at mabuting ASEAN Community.

Binigyang diin ni Legarda na ang target na ASEAN community vision 2025 ay dapat magbigay ng mas maayos na estado o kondisyon ng pamumuhay para sa lahat ng mamamayan.


Ayon kay legarda, bukod sa kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN laban sa terorismo at climate change ay dapat ding pahalagahan ang kakayahan ng mga lokal na komunidad at mamamayan na tumulong para sa makamit ang maunlad at matatag na ekonomiya sa buong rehiyon.

Samantala, hangad naman ni Senator Gringo Honasan na maging kaakibat ng tagumpay ng ASEAN sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaunlaran at seguridad ang pinag ibayong pag-unawa at respeto sa isa’t isa ng mga bansang kasapi.

Facebook Comments