Interes sa mga loan at sa credit cards, muling tataas

Muling nagpatupad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng pagtaas sa benchmark interest rate sa 6%.

Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

50 basis points ang itinaas ng Monetary Board policy rate kasunod 50-basis points hike noong December.


Nangangahulugan ito na tataas ang bayarin ng mga Pilipino sa interes sa kanilang credit card gayundin sa loans sa sasakyan, pabahay at loans sa kapital sa negosyo.

Una nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation rate sa nakalipas na buwan ay pumalo sa 8.7% mula sa 8.1% noong December.

Ito ay mas mataas sa forecast na 7.5% hanggang 8.3% inflation rate.

Facebook Comments