5 sa dating 7 undersecretaries sa ilalim ng Presidential Communications Office, nawala na sa kanilang official directory

Nawala na sa official directory ng Presidential Communications Office (PCO) ang kanilang 5 sa dating 7 undersecretaries.

Ito ay matapos ang inilabas na Executive Order ng palasyo para sa reorganization nito.

Sa official website ng PCO, tanging pangalan at larawan na lamang nina PCO Secretary Cheloy Garafil at dalawang undersecretary na lamang ang makikita sa kanilang directory o sina Usec. for Digital Media Services Emerald Ridao at Usec. for Administration, Finance and Procurement Cherbett Karen Maralit.


Nawala na sa directory ang limang dating mga opisyal o sina Usec. for Media Accreditation and Relations Greggy Eugenio, Usec. for Print Media Services and Related Goccs and Attached Agencies Edwin Cordevilla, Use.c for Broadcast Media Services and Related Goccs and Attached Agencies Rowena Ina Reformina, Usec. for Special Concerns Marlon Purificacion, at Usec. for Operations, Plans and Policies Atty. Eugene Henry Rodriguez.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Malacañang kung saan mapupunta ang mga undersecretary na nawala na ang pangalan at larawan sa official directory ng PCO.

Habang wala pa ring mga pangalang inilalabas ang PCO kung sinu-sino ang ilalagay sa 14 na assistant secretary positions.

Facebook Comments