Interes sa negosyo at hindi sa publiko – namayagpag sa pagbasura ng C-A sa kumpirmasyon ni dating DENR Sec. Gina Lopez….mga nasa likod ng pagsasampa ng kaso sa dating kalihim – binanatan!

Manila, Philippines – Namayagpag ang “business interests”sa kanyang appointment.
  Ito ang paniwala ni dating DENR Sec. Gina Lopez mataposang hindi pagkumpirma ng Commission on Appointments sa kanyang pwesto.
  
Ayon kay Lopez – sala sa init, sala sa lamig ang takbo ngpolitika sa bansa kung saan hindi sila nagpapasya batat sa interest ngtaongbayan na naglukluk sa kanila sa pwesto.
  Inakala aniya na maraming mabubuting politiko sa C-Angunit nagkamali ito.
 
Malaki ang panghihinayang ng dating kalihim sa mgamagaganda nitong nasimulan sa DENR.
  Kasabay nito, binanatan ni Lopez ang mga nasa likod ngpagsasampa ng kasong katiwalian laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.
  Una nang iginiit ni Atty. Lorna Kapunan ang hindi agadpag-aksyon ni Lopez ang mga reklamong ipinarating ng mga enviromentalist sakanyang tanggapan
  Partikular na tinukoy nito ang nagpapatuloy pa rin naillegal mining sa ilang lugar sa Zambales at ilang lalawigan sa bahagi ngMindanao at Visayas.
 
   

Facebook Comments