INTERESADO | Freddie Roach, bukas na magkaroon ng reunion kay Manny Pacquiao

Interesado si hall of famer coach Freddie Roach na magkaroon ng reunion kay Pinoy Champ Manny Pacquiao.

Sabi Roach, kahit mahigit isang taon nang hindi nag-iimikan, itinuturing pa rin niyang kaibigan ang Fighting Senator.

Hindi naman masabi ng veteran trainer kung ang nasabi niya kay Pacquiao pagkatapos ng laban nito kay Jeff Horn noong isang taon ang dahilan ng lamat sa kanilang relasyon.


Nabatid na pinayuhan niya si Pacquiao na pumili ng isa sa pagitan ng pagiging Senador at world champion boxer, at matapos ang ngiting sagot ng boksingero ay hindi na raw sila nag-usap.

Abril nang kumalas si Pacquiao kay Roach kung saan pumalit si Buboy Fernandez bilang kanyang head coach.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na ikinokonsidera din niyang makatrabaho muli si Roach.

Facebook Comments