NAHULIHAN | Koreano – hinarang sa airport dahil sa pagdadala ng baril at shabu

Pampanga – Isang Koreano ang hinarang sa Clark International Airport matapos mahulihan ng iligal na droga, mga baril at mga bala.

Nakilala ang dayuhan na si Hoseop Yoon

Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, Hepe ng Central Luzon Police – papuntang Incheon, South Korea ang suspek nang maharang siya sa paliparan.


Na-detect kasi sa kanyang bahagi ang isang .22 caliber pistol na kargado ng limang bala at dalawang sachet ng shabu.

Napag-alaman pang hindi lisensyado ang baril na nakuha kay Yoon.

Nakatakdang kasuhan ng mga otoridad ang suspek.

Facebook Comments