Interest rate ng bansa, posibleng hindi baguhin ng BSP

Posibleng manatili pa rin sa 6.25% ang interest rate ng bansa sa susunod na pagpupulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr., nais muna nilang makita ang pagbaba o target range ng inflation rate bago baguhin ang monetary policy.

Ang interest rate ay tumutukoy sa mga kondisyon kapag ang commercial banks ay humiram o namuhunan ng pera sa Central Bank, at isa sa mga paraan upang makontrol ang inflation.


Sa nakalipas na tatlong pagpupulong ng BSP, hindi nabago ang interest rate na nasa 6.25%, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo sa 5.3% noong August, mula sa 4.7% noong July.

Facebook Comments