Interest rate ng pautang sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, ibinaba pa

67

Ibinaba pa ng Pag-IBIG Fund ang interest rate ng pautang sa una hanggang ikalawang taon ng pagbabayad ng mga miyembro nito.

Ayon kay Acmad Moti, Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer, paraan ito ng ahensya para mahikayat ang bilang ng mga magha-housing loan simula pa noong nag-lockdown.


Mas maigi rin aniya na gawin sa kanila ang housing loan kumpara sa mga bangko.

Sa susunod na buwan, gagawin nang mandatory na online na lang ang pagpa-file ng multi-purpose loan at calamity loan para maiwasan ang mahahabang pila sa mga tanggapan.

Magkakaroon din ng hanggang anim na buwang transition period bago maging online ang paghahain ng loan.

Facebook Comments