Manila, Philippines – Sumama na rin ang grupong relihiyoso sa pagtutol sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Ailene Villarosa, Advocacy Officer ng Rural Missionaries of the Philippines-Northern Mindanao Sub-Region ,kinakailangang tapatan ng tinatawag na interfaith unity o pagkakaisa mula sa ibat ibang grupo ng pananampalataya ang pagpapatupad ng Martial Law.
Napakahalaga aniya na magsagawa ng sama samang pagninilay para maipaunawa sa taumbayan, partikular sa mga muslim at kristiyano ang hakbang ni pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pamamagitan ng interfaith unity, mapapaghilom ang sugat na idinulot ng mga may maitim na balak na manipulahin ang sangkatauhan.
DZXL558, Mike Goyagoy
Facebook Comments