Manila, Philippines – Inilabas na ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang interim guidelines para sa accreditation ng bloggers na maaaring mag-cover kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Andanar – ang sinumang netizen na 18-anyos pataas at may social media follower na hindi bababa ng 5,000 ay maaring mag-aplay ng accreditation.
Pero nilinaw ng kalihim na activity ang ibinibigay na passes para sa mga events ng pangulo.
Maari namang bawiin o kanselahin ang accredtation kung mapapatunayang inaabuso ng blogger ang mga privileges nito.
Sa tanggapan na Social Media Office na pinamumunuan ni Communications Assistant Sec. Mocha Uson, pwedeng mag-aplay para sa accreditation.
Kasabay nito, pinagpapaliwanag naman ni Andanar ang Philippine News Agency kung bakit ni-repost nito ang komentaryo ng State News Agency ng China tungkol sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.