Interior Undersecretary Catalino Cuy – itinalagang OfficerCharge ng DILG

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior Usec. Catalino S. Cuy bilang Officer-In-Charge ng Department of Interior and Local Government.

Ito’y matapos na sinabakin noong Lunes si dating DILG Sec. Ismael Sueno dahil sa “loss of trust and confidence.”

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – si Cuy ay mananatili sa posisyon bilang OIC para matiyak na magpapatuloy ang trabaho sa ahensya hanggang sa makapag-appoint ng bagong kalihim si Pangulong Duterte.


Si Cuy ay nagsilbing city police ng Davao City at hepe ng Special Action Force ng PNP bago naitalagang undersectreary ng DILG.

Samantala, aminado ang Malacañang na naging mabigat sa loob ni Duterte ang ginawa nitong pagsibak kay Sueno.

Aniya, halata ito sa naging huling Cabinet Meeting kung saan hindi naging palabiro ang Pangulo gaya ng nakagawian nito.

Facebook Comments