Intermodal transport terminal, ininspeksyon ng mga opisyal ng DOTr

Manila, Philippines – Binisita at ininspeksyon ng mga opisyal ng DoTr ang itinatayong, unang intermodal transport terminal sa bansa.

Ang Southwest Integrated Terminal Exchange (SWITX), na itinatayo sa 4-ektaryang lupain sa Philippine Reclamation Authority (PRA) property sa coastal road sa Tambo Parañaque City, ay magbibigay ng easy access sa ibat ibang mode of public transportation, rail networks, city buses, UV express at jeepneys para ihatid ang mga pasahero sa kanilang destinasyon.

Tinitiyak nito ang ligtas, maginhawa, at hassle-free travel experience para sa commuting public.


Ang PhP3-billion terminal ay inaasahan na makumpleto at maging operational sa ikalawang bahagi ng April 2018.

Isa lamang ito sa limang big-ticket infrastructure projects na pasisinayaan ng Department of Transportation (DOTr) sa susunod na taon.

As of October 2017, ang terminal ay 33.9 percent nang kumpleto.

Ito ay bahagi ng P7.7-billion Integrated Transport System (ITS) Project ng pamahalaan, (na inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) Board)

Ang operasyon ng ITS terminals ang nakikitang mabisang hakbang upang i-decongest ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Mayroon daw itong airport-like experience.

Ang Southwest Integrated Terminal Exchange (SWITX)ay dinisenyo katulad ng terminal ng paliparan na may multi-level na platform. Mayroon itong passenger terminal building, embarkation and disembarkation bays, staging bays, ticketing and baggage handling facilities, at park-ride facilities.

Mayroon din itong online at on-site booking at ticketing system, sistematikong vehicles and passengers’ queuing, loading, at unloading, air-conditioned lounges at waiting areas para sa mga pasahero, mayroon din retail stores at food centers, at ang mga drivers ay mayroon sariling retiring room o pahingahan.

Kakabitan dn ng CCTVs at baggage scanners at may security personnel 24/7 upang tiyakin ang kalgtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments