Internal cleansing sa BJMP, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang internal cleansing ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Ito ang inihayag ng pinuno ng BJMP kaugnay sa kanilang ika 26 na anibersaryo ngayong araw.

Ayon kay BJMP Director J/Dir. Serafin Barretto, isinasailalim nila sa drug test sa kanilang mga tauhan at mga pinaghihinalaang bilanggo na gumagamit nang ipinagbabawal na gamot.


Aniya, nasa apat na libo na ang kabuuang naisalang sa drug test na mga bilanggo at ang mga nagpositibo ay inilipat na sa mas mahigpit na kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Habang tinangal naman at kinasuhan ang 18 tauhan ng BJMP matapos magpositibo sa iligal na droga at 14 pa ang patuloy na iniimbestigahan.

At upang makamit ang tuluyang pagbabago, tuloy-tuloy ang drug test na isinasagawa nila sa ibat ibang kulungan sa buong bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments