Internal cleasing sa PNP, inaasahan sa pag-upo ng bagong hepe ng kapulisan

52

“Excellent choice” para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagkakapili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar bilang susunod na hepe ng kapulisan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dela Rosa, unang PNP chief sa Duterte administration na nasa mabuting kamay na ang kapulisan kay Eleazar.


Kasabay nito, pinayuhan ni Dela Rosa ang incoming PNP chief na ipagpatuloy ang internal discipline at internal cleansing ang organisasyon lalo na’t nahaharap sa ibat-ibang hamon ang PNP.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption President Boy Evangelista na internal cleansing din sa PNP ang inaasahan nila kay Eleazar.

Una na ring nagpahayag ng pagsuporta ang grupo ng mga abugado sa bansa sa liderato ni Eleazar sa PNP.

Facebook Comments