Kamara, isasara sa susunod na linggo

38

Pansamantalang isasara muna ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa susunod na linggo.

Sa ibinabang memorandum ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, mula May 10 hanggang May 14 ay suspendido muna ang pasok sa loob ng Batasan Complex.


Sa mga araw na walang pasok ay magsasagawa naman ng disinfection sa mga gusali at opisina ng Kamara bilang paghahanda sa pagbabalik sesyon sa May 17.

Magtatagal naman ang sesyon mula Mayo 17 hanggang June 4 bago ang sine die adjournment sa June 5 hanggang July 25.

Magbabalik sesyon naman sa pagbubukas na ng third regular session ng 18th Congress sa July 26 o sa panghuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments