International actor na si Cole Sprouse, bumisita sa bansa

Dumating sa bansa ang international actor na si Cole Sprouse na kilala sa karakter niya bilang Jughead sa hit American tv series na Riverdale upang i-promote ang isang kilalang local clothing brand matapos mai-anunsyo bilang pinakabagong celebrity endorser nito.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga fans na makita ang aktor ng malapitan sa isang meet and greet sa SM Mall of Asia at Glorietta noong Biyernes, April 20.
Hindi magkamayaw sa kilig ang fans nang magsalita siya ng Tagalog upang ipabatid ang pagmamahal at pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kaniya.
Nakipagkilala din ang aktor sa iba pang brand ambassadors tulad nina Maine Mendoza, Julia Barretto, Gabbi Garcia at Juliana Gomez.

Facebook Comments