International Airport sa Cagayan, Maghihigpit para sa ‘Zero-Case’ ng Novel Corona Virus

*Cauayan City, Isabela*- Naghahanda na ngayon ang tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan at Cagayan Economic Zone Authority sa Lambak ng Cagayan para maiwasan ang pagpasok ng tinaguriang Novel Coronavirus.

Ayon kay Ginoong Lexter Guzman, Pinuno ng Health Education and Promotion Unit ng DOH Region 2, nagpaalala ito na mangyaring iwasan ang mga raw meat o siguraduhing lutong-luto ang mga karne ng hayop partikular na ang mga laman-loob nito na kinasanayan ng iluto ng ilang pinoy.

Samantala, nakaalerto rin ang Cagayan Economic Zone Authority sa International Airport sa Lallo, Cagayan laban sa novel coronavirus partikular na ang mahigpit na pagbabantay ng mga quarantine officers sa paliparan.


Ayon pa sa ulat, madalas ang mga Chinese nationals ang gumagamit sa nasabing paliparan na nagtutungo sa mga Casinos sa bayan ng Santa Ana at tourist destinations sa Cagayan.

Facebook Comments