International Alert, Sang-ayon sa Muling Pagpayag ni Duterte sa Peace Talks!

Cauayan City, Isabela – Magandang balita para sa taong bayan ang muling pagpayag ng pangulong Duterte sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDF. Ito ang naging pahayag ni Dating DAR Regional Director Rene Navata ng International Alert, sa naging panayam ng RMN Cauayan.

Sinabi pa ni ginoong Navata na makakatulong ang muling pagbuhay sa peace negociations sa pag-aalala ng bawat pilipino lalo na ang mga nasa parte ng Mindanao na itinuturing na war zone at maging sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.

Ipinaliwanag pa ni Rene Navata na sa karanasan ng International Alert ay walang madalian sa peace process kung saan habang tumatagal ay lalo lamang lumalalim ang mga pinag-uusapan, higit na sa mga lumalabas na agreement sa magkabilang panig.


Gayunman iginiit ni Navata na kung anuman ang mga usapin na hindi pag-kakaintindihan ay kailangang upuan o harapin ng maayos. Inihalimbawa ni Navata ang tungkol sa ceasefire ng bawat panig ngunit wala naman umanong common grounds sa pagpapatupad nito.

Samantala ang International Alert ay isang international organization na unang nabuo sa London, England na may mga opisina sa 23 na bansa na isa sa may malaking peace building organization at kinikilala ng United Nations na tumitingin sa lahat ng problema ng taong bayan at gobyerno sa loob ng violence conflict sa pamamagitan naman ng peace process.

Facebook Comments