International arriving Filipino passengers na gumaling na sa COVID-19 pero magpopositibo pa rin sa RT-PCR test, pwede nang pumasok ng bansa

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpasok ng mga Pinoy traveller na galing sa ibang bansa na gumaling na sa COVID-19 subalit nagpopositibo pa rin sa required pre-departure RT-PCR test.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kailangan lamang makapagpakita ng medical certificate ang isang Pinoy international traveller na inisyu ng isang licensed physician.

Dapat din na nakasaad sa medical certificate nito na nakakumpleto na niya ang mandatory isolation period.


Dapat ding nakapaloob sa certificate nito na hindi na infectious o nakakahawa pa ang biyahero at may go signal na para makabiyahe.

Ani Nograles, ang swab test ay dapat ginawa ng mas maaga sa 10 araw pero hindi hihigit ng 30 araw o isang buwan.

Facebook Comments