Bureau of Immigration, magde-deploy ng karagdagang rapid response team sa NAIA at Clark

43

155 na karagdagang immigration officers ang ide-deploy ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA Terminals at Clark International Airport.

Sa harap ito ng tumataas na bilang ng Returning Overseas Filipinos na nagpopositibo sa COVID-19 pagdating sa paliparan.

Bukod dito, marami ring immigration officers ang naka-leave ngayon matapos na tamaan ng COVID-19.


Sa ngayon, 158 pang mga tauhan ng immigration sa Port Operations Division ang naka-isolate matapos ma-infect ng virus.

132 dito ang nakatalaga sa NAIA Terminals at 14 ang mula sa Clark International Airport.

180 ding iba pang immigration officers sa naia ang naka-quarantine matapos ma-expose sa mga nagpositibo sa COVID-19.



Facebook Comments