International Atomic Energy Agency, nababahala sa patuloy na pagsasagawa ng nuclear program ng North Korea

Ikinababahala ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang patuloy na pagsasagawa ng nuclear program ng North Korea sa kabila ng parusa na ipinataw ng United Nations noong 2006.

Ayon kay IAEA Director General Rafael Grossi, hindi pinapahintulutang makapasok sa North Korea ang IAEA sa kanilang bansa pero patuloy nila itong mino-monitor sa pamamagitan ng satellites.

Dito nila nakita ang isang thermal plant sa Yongbyon Complex kasama ang nuclear reactors, fuel reprocessing plants at uranium enrichment facilities na pinaniniwalaang sakop ng nuclear weapons program ng nasabing bansa.


May hinala rin ang independent sanctions monitors na naisaayos din ng North Korea ang kanilang nuclear at ballistic missiles programmes sa buong 2020 sa tulong umano ng ninakaw nilang $300 million sa pamamagitan ng cyber-hacks.

Facebook Comments