Manila, Philippines – Nagbabala ang International Committee of the Red Cross na magpapatupad ng international humanitarian law lalo na’t nagpapatuloy ang giyera sa Marawi City.
Ayon kay Lany Dela Cruz, ipinadalang representative ng ICRC sa Iligan City, kailangang respetuhin ang buhay ng tao pati na ang hindi pagdamay sa mga sibilyan sa patuloy na bakbakan.
Kailangan ding pangalagaan ang mga sugatang mandirigma at mga nahuli nasa panig man sila ng gobyerno o ng kalaban.
Napag-alamang patuloy na namimigay ang ICRC ng mga emergency relief food packs sa mga evacuee na kayang magsuplay ng pagkain sa pamilyang may limang miyembro sa loob ng dalawang linggo.
Namimigay din sila ng mga hygiene items at essential household items habang umabot naman sa 11 ospital at rural health units ang nabigyan nila ng medical supplies na kinakailangan lalo na’t tumaas na ang kaso ng mga nagkakasakit sa mga evacuation centers.