Manila, Philippines – May hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) para litisin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong extra-judicial killings sa bansa.
Ito ang iginiit ng Maginificent 7 sa kamara, kung saan panahon na anila para busisiin at litisin ng ICC ang mga kaso ng EJK sa Pilipinas.
Ayon pa sa grupo, hindi dapat balewalain ni Pangulong Duterte ang ICC dahil may hurisdiksiyon ito sa Chief Executive ng bansa.
Matatandaan kasing lumagda ang Pilipinas sa Rome statute ng ICC noong 2011.
Ang localized version nito ay ang Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and other Crimes against Humanity.
Facebook Comments