Nilinaw ng International Criminal Court (ICC) na hindi totoo ang report hinggil sa sinasabing imbestigasyon sa extra-judicial killings sa Pilipinas.Sabi ni ICC Public Affairs Unit Head Fadi El Abdallah, totoong mayroong pahayag ang ICC prosecutor hinggil sa nai-ulat na serye ng patayan sa gitna ng kampanya ng Duterte administration laban sa illegal drugs.Pero wala aniyang gagawing imbestigasyon tungkol dito ang ICC.Tinukoy pa ni Abdallah na kung talagang interesado ang ICC prosecutor na magsawa ng hiwalay na pagsisiyasat ay kailangan nilang sundin ang “protocols and procedures” at kumuha ng pahintulot mula sa mga judge.
Facebook Comments