Manila, Philippines – Naniniwala si dating Senador Rodolfo Pong Biazon na kailangan ng ibat-ibang bansa na magkaisa na usapin ng West Philippine Sea upang magkaroon ng lakas sa international law sa naturang usapin.
Sa ginanap na forum sa Samahang Plaridel sa Kapihan sa Manila Hotel sinabi ni Biazon na kailangan makipag-usap ang Philippine Government sa ibat-ibang bansa na apektado sa usapin ng sigalot sa West Philippine Sea.
Natutuwa si Biazon sa huling pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari ng Pilipinas hudyat na meron paninindigan ang Pangulo hinggil sa naturang usapin.
Paliwanag ng dating Senador na napapanahon na pag-isipan mabuti ng mga opisyal ng gobyerno ang lahat ng kanilang sasabihin sa naturang isyu dahil malaking epekto ito sa seguridad ng bansa.
Giit ni Biazon na mahirap umano basahin ang mga pahayag ng Pangulong Duterte dahil mayroon itong sariling pananaw sa mga maiinit na usapin na sa tingin ng Pangulo ay nakatutulong sa bansa ang kanyang mga paninindigan.