Manila, Philippines – Muling hiniling ng international network sa administrasyon na palayain si Senadora Leila De Lima na dalawang taon ng nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
Ayon sa Parliamentarians for Global Action (PGA), kinokondena nila ang nagpapatuloy na detention ni De Lima.
Giit ng grupo, politically motivated ang mga kaso ng illegal drug trafficking na isinampa laban sa senadora.
Wala rin anilang legal na basehan ang pagpapakulong kay De Lima at naaresto lamang siya dahil sa kanyang isinulong na Senate inquiry na may kinalaman sa drug war killings.
Mababatid na ang PGA ay binubuo ng 1,350 mambabatas mula sa 140 parliaments.
Facebook Comments