Marawi City, Philippines – Malaki ang paniniwala ng isang International Security Analyst na may intelligence information ang militar at pulisya sa presyensa ng Maute sa siyudad ng Marawi.
Ayon kay Dr. Ruel Banlaoi, Chairman of the board ng Philippine Institute For peace Violence And Terrorism , mayroon nang operasyon ang militar at pulis laban kay Isnilon Hapilon na batay sa kanilang impormasyon ay nasa Marawi City.
Kaya lang aniya, nabulaga ang mga owtoridad sa pwersa ni Hapilon sa lugar na aabot sa 400 armadong grupo.
Dagdag pa ni Banlaoi, si Hapilon ay dating Abu Sayyaf leader pero ngayon tumatayo na itong pinuno ng pinagsamang lokal na terrorista tulad ng Maute.
Sa impormasyon pa ng nasabing analysis, nasa marawi naninirahan ang malaking angkan ng Maute bagay na hindi nabasa ng mga militar at nag kulang ang mga owtoridad sa intelligence information.
DZXL558