Mataas na Satisfaction ratings ng Pangulo, ikinagalak ng Palasyo

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacanang ang mataas na satisfaction ratings na ibinigay ng Publiko sa administrasyong Duterte.

Batay kasi sa first quarter survey ng Social Weather Station ay tumaas sa +66% ang satisfaction ratings ni Pangulong Duterte mula sa 61% noon huling bahagi ng 2016.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay lamang ito na nararamdaman na ang mamamayan ang mga magagandang ginagawa at pagbabago na ipinatutupad ng administrasyon sa pamahalaan para mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.


Tiniyak ni Abella na magpapatuloy lamang si Pangulong Duterte sa pagtatarabaho at pangunguna sa mapagkakatiwalaang pamahalaan at paghahanap ng pang matagalang kapayapaan para sa lahat.
DZXL558

Facebook Comments