International Sports Event, Pinaghahandaan na ng City of Ilagan!

City of Ilagan, Isabela – Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng City of Ilagan para sa nalalapit na pagdiriwang ng International PATAFA Sports Event na magaganap sa buwan ng Marso.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Public Information Officer ng City of Ilagan Government, abala na ngayon ang pamunuan ng City of Ilagan dahil sa tatlong pinakamalalaking aktibidad na gaganapin sa lungsod.

Aniya, sa unang araw ng Marso ang formal opening ng PATAFA Sports Event na dadaluhan ng mga lokal at banyagang manlalaro.


Kaugnay nito, ipagdiriwang din sa Marso 2-3 ang ika 14th South East Asian Youth Games na susundan ng National Open Philippine Athletic Championship na kung saan inaasahan ang pakikilahok ng labing isang Asian Countries.

Bahagi din ng nasabing palaro ang pakikiisa ng mga atleta na magmumula sa bansang United Arab of Emirates, Jordan, Singapore at Taipei.

Kinumpirma din ni Bacungan na magaganap sa lungsod ng Ilagan ang Batang Pinoy Yearly Event na tinatantyang nasa mahigit anim na libong delegado sa buong Luzon ang dadalo sa Marso 16-23.

Dagdag pa ni Bacungan na nagiging Sports Tourism Hub na ang City of Ilagan sa buong lambak ng Cagayan at taon-taon na itong magkakaroon ng malalaking aktibidad.

Samantala bawat delegado umano ay may itatalagang seguridad maging sa mga lugar na kanilang tutuluyan habang nasa City of Ilagan.

Facebook Comments