INTERNATIONAL WOMEN’S DAY | Pasig River Ferry, may alok na libreng sakay sa mga kababaihan

Manila, Philippines – Hindi lamang ang LRT at MRT ang may handog na libreng sakay ngayong araw.

Dahil maging ang Pasig River Ferry Service ay may alok ding free rides.

Sa abiso ng MMDA, hanggang alas sais mamayang gabi libre ang sakay ng mga babaeng pasahero.


Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng International Women’s day.

Ang International Women’s Day ay ginugunita tuwing ika-walo ng Marso bilang pagkilala sa tagumpay ng kababaihan sa pagkamit ng pantay na karapatan sa usaping social, pang-ekonomiko, kultural at politikal.

Facebook Comments