International Zumba Concert, Pinaghahandaan Na!

24

City of Ilagan, Isabela -Isa sa pinakamalaking aktibidad na pinaghahandaan ngayon ng City of Ilagan ay ang International Dance Concert na gagawin sa City of Ilagan Sports Complex.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng LGU Ilagan, puspusan na ang kanilang paghahanda sa gaganaping pinakamalaking International Dance Concert o ang Zumba Concert.

Ito ay magaganap sa May 19,2018 na pangungunahan ng International Zumba master na si William Flores.

Target ng City of Ilagan na maka labing limang libong Zumba dancers para sa Zumba Concert upang matibag ang bilang ng Zumba dancers sa Guiness Book World Records na mayroong labing dalawang libo.

Kaya’t hinihikayat ngayon ni GSO Laggui ang bawat isa na sumali at makiisa sa kanilang inihahandang aktibidad at panoorin din ang kanilang surpresa na gagampanan ng mga bigating artista.

Samantala sa pulong na ginagawa ngayon sa tanggapan ni City Mayor Evelyn Diaz ay kabilang din umano ang gagawing paghahanda sa Philippine Athletic Championship na gaganapin sa May 31 hangang June 4,2018.

Facebook Comments