Tricycle Driver Sinaksak ng 15 Beses, Patay!

723

City of Ilagan, Isabela – Kaagad na nasawi ang isang tricycle driver matapos na saksakin ng labin limang beses ng kapwa niya traysikel drayber sa Barangay Centro, City of Ilagan Isabela sa oras na alas kwatro ng hapon, May 14,2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Officer 3 Ryan Ramos, ang Investigator ng PNP Ilagan, kinilala ang biktima na si Melchor Macalling, 35 taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Bacolod, City of Ilagan,Isabela.

Samantala ang suspek ay kinilalang si Teofilo Danny Boy Cuaresma Jr., 33 taong gulang at residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni PO3 Ramos, nabatid na nagkaroon ng away umano ang biktima at suspek sa paradahan ng tricycle sa lugar at di nagtagal ay pinagsasaksak ni Cuaresma ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan nito.

Itinakbo si Macalling sa Villaroman Hospital ngunit binawian din ito ng buhay, samantalang boluntaryo namang sumuko sa pulisya si Cuaresma kasama ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

Matatandaan na nagpa-blotter na kamakailan si Macalling dahil sa umanoy pagbabanta sa buhay nito ng suspek.

Sa ngayon ay nakahanda nang isampa ang kasong murder laban kay Cuaresma.

Facebook Comments