Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Private Sector Advisory Council-Infrastructure and Digital Infrastructure Sector Groups.
Sumentro ang pulong sa pag-resolba sa mga pagbaha sa Metro Manila at sa iba pang mga flood prone areas sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, isa sa mga gagawing paraan ay ang pagpapatupad ng aggressive reforestation project, waste-to-energy program, at ang pagpapatayo ng mga high walls.
Hindi rin nawala sa listahan ng mga dapat na gawin ng pamahalaan ang matiyak na maging accessible ang internet para sa lahat.
Sabi ng Pangulo, inirekomenda sa pulong ang hakbang na mas palawakin pa ang internet access at maipaabot ito hanggang sa pinakamalalayong lugar ng bansa sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor.
Layunin aniya nitong maitatatag ang isang kinabukasan kung saan ang bawat Pilipino sa bawat sulok ng bansa ay konektado at may oportunidad na magtagumpay.