Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagnanais nito na maipakita sa publiko ang quality, integrity, at transparency ng bidding process sa gobyerno.
Ayon kay Secretary Gatchalian ang naturang hakbang ay base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan ginanap ang Supplier’s Summit for Manufacturers nitong Huwebes September 26 sa DSWD Central Office Auditorium sa Quezon City.
Paliwanag pa ni Secretary Gatchalian, layon sa kanyang imbitasyon ay upang makilahok sa bidding process para sa Buong Bansa Handa o BBH Program ang mga participants mula sa iba’t ibang manufacturers ng raw materials at service providers mula sa mga fast moving consumer goods, freight forwarding services, rice millers, at packaging suppliers.
Ang BBH ay mayroong dalawang parallel supply chain mechanisms para sa disaster preparedness and response. Tampok sa una ay ang national at local government-driven supply chain, habang tampok naman para sa ikalawa ay ang supply chain forges partnerships sa pagitan ng mga malalaki at maliliit na groceries, supermarkets, manufacturers, at distributors na magpapabilis at magpapakita ng technical expertise at resources para sa private sector-driven supply chain.
Dagdag pa ng kalihim na ang supplier’s summit ay isinagawa ng DSWD upang ipakita ang mga bagong kaalaman hinggil sa procurement guidelines at issuances, gayundin ang pagpapakilala sa iba pang pagbabago na may kinalaman sa technical specifications ng products and services na kabilang sa procurement process.