INTERNET ACCESS | Free Wi-Fi access sa lahat ng land transport terminals sa bansa, isinusulong sa Senado

Manila, Philippines – Isinusulong ni Senate Committee On Public Services Chairperson Grace Poe ang pagkakaroon ng libreng Wi-Fi access sa lahat ng land transportation terminals.

Inihain ni Poe ang Senate Bill 1695 o Free Internet Access in Land Transport Terminals.

Susuportahan ng panukala ang Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places Act.


Sa ilalim ng panukala ni Poe, imamandato ang lahat ng owner, operator at namumuno ng mga Transportation Terminals, Stations, Stops at rest areas na makipagtulungan sa Dept. Of Information and Communications Technology (DICT) para makabitan ng Wi-Fi- facilities ang kanilang lugar.

Facebook Comments