AAYUSIN | 2nd generation trains ng LRT Line 1, nakatakdang isailalim na rin sa rehabilitasyon

Manila, Philippines – Pumasok sa kasunduan ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa isang engineering at industrial company para i-rehabilitate at i-upgrade ang generation 2 trains ng Light Rail Transit Line 1.

Matatandaang nabili ng gobyerno ang mga generation 2 trains mula Hyundai at Adtranz Sweden noong 1999.

Ayon kay LRMC President and CEO Juan Alfonso, bubuhayin muli ang mga generation 2 Light Rail Vehicles sa loob ng susunod na dalawang taon para madagdagan ang bilang ng mga bumibiyaheng tren sa linya.


Bukod dito, may go-signal na rin mula sa Department of Transportation para bumili ng 120 bagong bagon na magiging 4th Generation Trains ng line 1.

Sa ngayon, ang LRT-1 ay may tatlong henerasyon ng mga tren.

Facebook Comments