Hinimok ng Dept. of Education (DepEd) ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na gamitin ang Internet bilang ‘Learning Environment.’
Ito’y sa gitna ng mga pahayag na ang paggamit ng gadgets ay siyang nagdulot sa mababang ranggo ng Pilipinas sa Reading Comprehension.
Ayon kay DepEd Spokesperson, Usec. Annalyn Sevilla, mahalagang wasto ang paggamit ang Internet upang hindi ito maituring na distraction sa pag-aaral ng mga estudyante.
Aniya, may mga iba’t-ibang factors pa silang ikinukunsidera kung bakit mababa ang Pilipinas sa Reading Comprehension.
Sinabi ni Sevilla na mayroong 47,000 schools na may 27 milyong estudyante sa bansa kung saan mayroon lamang halos isang milyong Guro.
Maraming estudyanteng nagsisiksikan sa National Capital Region, Cebu at Davao.
Sa kabila nito, nakikita ng DepEd na ang School Congestion ay walang direktang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante.
Ang kahirapan ay isa rin sa tinitingnan ng DepEd sa mahinang performance ng mga estudante.
Sa kabila nito, tiniyak ng DepEd na tinutugunan nila ang mga isyung ito sa Basic Education System.