Internet Lineman, Patay Matapos Makuryente!

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang lineman ng telecom company habang sugatan ang dalawa pang kasama matapos makuryente sa Pengue-Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ymael Tumamao, 22 anyos, binata, at residente ng Brgy. Magacan, Sanchez Mira, Cagayan habang ang mga sugatan ay sina Gerard Bumagat, 24 anyos, binata, Auger Operator, residente ng Brgy Naguilian, Camigin Island at Oliver Fontanilla, 23 anyos, binata, residente naman ng Brgy. Cabatuan West, Lasam, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagkakabit ng linya ng internet sa poste sina Tumamao at Fontanilla ay nahulog ang mga ito matapos mapigtas ang tinutuntunang tali sa poste.


Dahil dito, naputol rin ang cable wire at tumama sa bahagi kung saan nahulog ang mga biktima.

Agad namang narespondehan ng Rescue 1111 ang mga biktima at naidala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival (DOA) si Tumamao.

Facebook Comments