Internet personality Xander Ford, humingi ng tulong sa PNP dahil sa nararanasang pambubully

Manila, Philippines – Dahil sa walang tigil na pambu-bully ng netizens.

Nagsampa ng kaso sa PNP Anti Cybercrime Group ang internet personality na si Xander Ford na dating si Marlou Arizala.

Ang kaso ay isinampa mismo sa dalawang indibidwal na nag-upload ng kanyang video na sya noon ay si Marlou Arizala pa.


Mapapanood at maririnig sa video ang ginagawang pangba-bash ni Ford sa aktres na si Kathryn Bernardo dahilan para hindi sya tigilan sa pambu-bully ng netizens.

Paliwanag ni Ford ang video na kumakalat ay nangyari dalawang buwan na ang nakakalipas.

Dahil sa isyung ito aniya nawala ang kanyang mga endorsements at shows.

Napakamalisyoso daw ang pagpapalakat ng Video na ikinadi-depressed ni Ford.

Sinabi naman ni Senior Police Officer 3 Marlon Flores, officer on case, na sa ngayon nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng mga nag-upload ng video at mapanagot kung may paglabag.

Facebook Comments