Hepe ng Southern Police District, nagsagawa ng surprise inspection sa mga bus terminal

Manila, Philippines – Nagsagawa ng biglaang inspeksyon ang hepe ng Southern Police District sa mga bus terminal ilang araw bago ang Undas.

Ayon kay PChief Supt. Tomas Apolonario, sinadya niyang gabi ang operasyon dahil may ilang mga kababayan pa natin na galing trabaho ang humahabol para makauwi sa mga lalawigan.

Dahil dito patuloy ang pagronda ng kanyang mga tauhan.


Ito ay tatanggal hanggang November 2 o sa pagbabalik ng mga pasahero sa Metro Manila.

Kabilang sa terminal na una ng inikutan ay ang Victory Liner, Partas, at Philtrangco sa Pasay.

Sa ngayon wala pa naman aniya siyang nakikitang problema lalot kakaunti lang ang mga pasahero.

Samantala, nakatuon din ang pwersa ng SPD sa 28 pampubliko at pribadong sementeryo sa southern part ng Metro Manila.

Pinayuhan ni General Apolonario ang publiko na insecure ang kanilang mga bahay pati mga establisyimento laban sa mga magnanakaw ngayong panahon ng Undas.

Facebook Comments