Patuloy ang pagbuti ng internet speed sa bansa.
Batay sa pinakahuling ulat ng Ookla Speedtest Global Index Report ngayong April 2021, tumaas ng 49.31 Megabits per second (Mbps) ang fixed broadband speed sa bansa kumpara sa 46.25 Mbps noong Marso.
Nakapagtala naman ang mobile speed ng average download speed na 29.12 Mbps kumpara sa 45.43 Mbps noong Marso.
Umangat din ng 23 points sa global ratings ang Pilipinas pagdating sa fixed broadband at 26 points naman sa mobile internet.
Sa ngayon, umabot na sa 523.38% ang itinaas ng fixed broadband speed habang 291.40% ang itinaas ng mobile internet speed, simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabuuang 176 na bansang sinuri ng Ookla, nasa ika-80 puwesto ang fixed broadband speed ng Pilipinas habang ang mobile naman ay ika-84 na puwesto mula sa 134 bansa sa mundo.