INTERNSHIP PROGRAM | 2,000 kabataan, pagkakalooban ng internship program ng DOLE

Manila, Philippines – Halos 2,000 Pinoy ang tatanggapin ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang internship program sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa DOLE, ang mga Filipinong edad 18 hanggang 30 ang kanilang kukunin para magtrabaho sa iba’t-ibang barangay sa bansa.

Layon ng internship program ng DOLE na iparanas sa mga kabataan na makapagtrabaho sa pamahalaan.


Sa Mayo 1 bubuksan ng DOLE ang aplikasyon at agad na ide-deploy ang mga kwalipikado.

Facebook Comments