ITINANGGI | Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo, itinangging may alam siya sa advertisement deal ng kanyang kapatid na si Erwin Tulfo sa PTV-4

Manila, Philippines – Itinanggi ni Tourism Secretary Wanda Teo na alam niyang mapupunta sa programa ng kaniyang mga kapatid ang bayad sa commercials ng DOT.

Ayon kay Teo, ang kasunduan ay sa pagitan ng DOT at ng People’s Television Network Channel 4 at wala siyang kontrol kung saang programa ilalagay ng PTV 4 ang commercials.

Una nang lumabas sa report ng Commission on Audit (COA) na ang P60 milyong advertisements ng DOT ay napunta sa “bitag” na programang produced at hino-host ng mga kapatid ni Teo na sina Ben at Erwin Tulfo.


Inirekomenda rin ng COA na magbigay ang pamunuan ng PTV ng kopya ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PTV 4 at bitag Media Unlimited, Inc. (BMUI).

Hiningi rin ng COA ang kopya ng commercial output policy sa pag-eere ng mga commercial ng DOT, billing statement at iba pang dokumentong susuporta sa kabuuang halagang ibinayad sa BMUI, at budget utilization request na pirmado batay sa pondong nakalaan.

Facebook Comments