Interoperability ng mga piloto ng PAF at USAF, hinasa sa COPE Thunder Exercise

Patuloy ang sabayang pagsasanay ng Philippine Air Force (PAF) at United States Air Force (USAF) sa COPE Thunder Exercise.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, bilang bahagi ng ehersisyo, nagsagawa ng mga sortie sa Intensive Military Training Areas sa Luzon ang mga piloto ng PAF at USAF.

Ginamit dito ang FA-50PHs aircraft mula sa 7th Tactical Fighter Squadron 5th Fighter Wing ng PAF at F-16s ng 14th Fighter Squadron ng USAF.


Ani Castillo, layon nitong magsagawa ng air to air operations na magbibigay oportunidad sa dalawang bansa na paghusayin pa ang kanilang kapasidad at kahandaan saka-sakali mang magkaroon ng threat sa rehiyon.

Kabilang sa drill ang Defensive Counter Air at Offensive Counter Air operations kung saan sasanayin ang mga kalahok sa identification, tracking, at interception ng enemy aircraft.

Nabatid na nagsimula ang pagsasanay noong Mayo 1 at magtatagal hanggang May 12, 2023 na ginaganap sa Clark Air Base, Pampanga kung saan kalahok ang 160 USAF service members at 400 PAF Airmen mula sa iba’t ibang units ng PAF.

Facebook Comments