PCG, walang na-monitor na oil spill sa sumadsad sa barko sa Zamboanga City

Walang nakitang palatandaan ang Philippine Coast Guard (PCG) na may oil spill o pagtagas ng langis mula sa sumadsad na MV AUDIE sa Little Santa Cruz Island, Zamboanga City.

Ang naturang barko ay patungo sana ng Leyte mula sa General Santos City nang hampasin ng malalaking alon na naging dahilan ng pagsadsad nito.

Nailigtas naman ng PCG ang lahat ng crew ng barko.


Patuloy rin na nakatutok ang Coast Guard District Southwestern Mindanao sa MV AUDIE para sa kaukulang tulong.

Facebook Comments