Interpol “red notice” laban kay Teves, itinutulak ng DOJ

Itinutulak ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalabas ng “red notice” ang International Criminal Police Organization (Interpol) laban kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, humiling na sila sa Interpol na itaas sa red notice ang kahilingan ng Pilipinas.

Sa ilalim ng red notice, ang mga law enforcement sa buong mundo ay inaatasan na magsagawa ng provisional arrest sa taong nahaharap sa extradition at iba pang legal na aksyon.


Sabi ng kalihim, sa ngayon kasi ay nasa blue notice pa lamang ng Interpol si Teves kung saan hinihikayat ang mga miyembrong bansa na kumuha ng mga dagdag na impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng tao na isinasailalim sa criminal investigation.

Hanggang sa ngayon ay nasa Timor-Leste pa rin si Teves at patuloy na itong humihiling ng asylum sa pamahalaan doon.

Facebook Comments